Enzo Almario clarifies GMA-7 not involved in his rape allegation
Trigger warning: rape
Nilinaw ng singer na si Enzo Almario na walang kinalaman ang GMA Network sa panghahalay na naranasan umano niya noong 12 years old lamang siya.
Kung alam daw ito ng GMA management ay nakasisiguro siyang gagawa ito ng aksiyon at poprotektahan siya dahil menor de edad lamang si Enzo noon.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story ngayong gabi ng Miyerkules, September 25, 2024, inilabas ni Enzo ang GMA Network sa isyu dahil ang taong nanghalay umano sa kanya ay nagtatrabaho lamang umano at hindi bahagi ng network.
Saad ni Enzo sa kanyang post (published as is): “Hi, I just want to clarify something. GMA Network had no involvement in what happened to me.
“I’m confident that if they had known, they would have taken action and protected me. However, I didn’t have the courage back then that I do now.
“As far as I know, the person involved worked with GMA Network, but wasn’t actually part of the network.”
Alam daw ni Enzo ang intensiyon niya sa pagsasalita ngayon tungkol sa masaklap na nangyari sa kanya noong bata pa lamang siya.
At kung ang kapalit daw ng pagtulong niya sa mga natatakot pa ring magsalita ay ang pagpapawalang-halaga ng ilan sa naransan nilang trauma at masaklap na karanasan ay tatanggapin niya nang bukal sa puso.
Pagtatapos ni Enzo, “I know my purpose and intention in this, and if enduring a few people dismissing our trauma and painful experiences is the cost of helping those who are still afraid to speak up- and protecting future generations from facing what I went through-then I’ll accept it”
ENZO ALMARIO’S TRAUMATIC EXPERIENCE WHEN HE WAS 12
Si Enzo ay miyembro ng mga batang grupo ng singers noong 2006, ang Sugarpop.
Ang members nito ay sina Julie Anne San Jose, Vanessa Rangadhol, Renzo “Enzo” Almario, Pocholo “Cholo” Bismonte, at Rita Iringan (na ngayon ay Rita Daniela na). Nag-perform sila noon regularly sa SOP Rules.
Sila ay binuo ng musical director at vocal arranger na si Danny Tan noong 2006.
Si Tan ang itinuturong nangmolestiya umano kay Enzo at sa isa pang singer na si Gerald Santos.
Sa Facebook noong Setyembre 12, 2024, isang video announcement ang inilabas ni Gerald tungkol sa isa pa umanong biktima ni Tan.
Inakusahan ni Gerald si Tan na gumahasa umano sa kanya, sa edad na 15, noong 2005.
Dito na lumabas si Enzo at ikinuwento ang karanasan niya umano noong siya ay 12 years old lamang, taong 2008.
Saad ni Enzo, “It took me a while to finally take action on this issue, but now, I am no longer afraid, and I shouldn’t be the one living in fear.
“I was raped and deceived by the same person who also raped Kuya Gerald.”
Dagdag pa niya, “I’m super thankful kay Kuya Gerald for having this courage na mag-talk about this.
“And nagkaroon kasi ako ng lakas din ng loob para i-share din yung experience ko, yung madilim na experience na ito.
“Para din matuldukan na yung trauma na na-experience natin, so, kaya maraming salamat, Kuya Gerald and Attorney for this.”
Sabi naman ni Gerald, “Renzo, I’m really thankful na… thankful ako sa iyo na, kumbaga, lumabas ka finally. You know, it took some time bago lumabas si Renzo.
“Dahil siyempre, hindi po talaga biro iyong pinagdaanan niya rin po. Sa kanya nga po, multiple times. Ang dami po!
“At ngayon, lumabas na si Enzo, and he will help me para sa possible na case na ipa-file po namin sa tulong po ni Atty. Biboy Malaya. Nandito po kami sa kanyang opisina.”
Matapos nito, nag-post sa kanyang Instagram si Enzo ng mensahe ukol sa kanyang naging rebelasyon.
Aniya (published as is): “To everyone messaging me, I don’t mean to be rude, but right now, I’m struggling to find the right words or feelings to respond.
“I’m also in an indescribably uneasy place after writing down everything that happened, from start to finish. Reliving those moments feels like I’m back in that powerless, deceived state, and with the understanding I have now, it’s impossible not to get emotional.
“To anyone else who was a victim of this person, speak up and free yourself. This wasn’t our fault; HE TOOK ADVANTAGE OF OUR INNOCENCE.
“I sincerely hope get justice, not just for ourselves, but for the potential victims he may be targeting and everyone he already preyed on.”
Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Danny Tan sa mga alegasyon laban sa kanya.