Judy Ann Santos spotlights “todohan ang aktingan” in Espantaho

Pangalawang beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa isang pelikula, at ito ay sa kasalukuyang sinu-shoot na horror film, ang Espantaho.

Espantaho

“First namin was Mano Po 2,” kuwento ni Judy Ann, “pero hindi ganun karami yung scenes namin together at saka hindi kami yung mag-ina doon.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mano Po 2

Mano Po 2 movie poster

Sa pagpapatuloy ng award-winning actress, “Ngayon pa lang talaga yung almost every scene magkasama kami.

“Nakikilala ko siya nang husto… Mano Po pa lang naman, may mga moments naman na magkakasama yung malaking cast.

“Kasi ang dami namin sa Mano Po, parang mahigit beinte kami doon, e,” ang natatawang pagbabalik-tanaw pa ni Judy Ann.

Ang Mano Po 2: My Home ay pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival noong 2003 kung saan tampok sina Judy Ann, Lorna, at sina Susan Roces, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino, Angel Locsin, Carmina Villarroel, Alessandra de Rossi, Richard Gutierrez, Jay Manalo, Karylle at marami pang iba.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa set ng shoot ng Espantaho sa Mexico, Pampanga noong September 7, 2024.

JUDY ANN SANTOS ON WORKING WITH VETERAN ACTRESSES

Hanga si Judy Ann Santos sa mga gaya ni Lorna dahil sa kanilang reliability pagdating sa trabaho.

Aniya, “I really appreciate working with veterans kasi talagang makikita mo kung gaano sila ka-professional.

“Ready silang dumarating sa set, walang kaarte-arte.

“Lumaki ako sa ganun, lumaki ako sa ganung environment.

“So ito yung environment ko,” pagtukoy ni Judy Ann sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Lorna.

“Nandito ako ngayon sa isang lugar na kinalakihan ko.

“Wala kaming masyadong issues, actually wala, walang issues na kung anupaman… dialogue, blocking, wala!

“Kumbaga, kampante ang lahat dahil we trust each other.”

JUDY ANN BOASTS OF ESPANTAHO‘S TOP-CALIBER ENSEMBLE

At dahil pareho sila ni Lorna na mga mahuhusay na aktres, tiyak na to the highest level ang aktingan na mapapanood kapag ipinalabas na ang pelikulang ito ng direktor na si Chito Roño.

“Sa pangkalahatan,” sabi pa ni Juday, “kasi may Janice de Belen ka, may Mon Confiado ka, may Chanda Romero ka.”

Janice de Belen

Janice de Belen

Mon Confiado

Mon Confiado

Chanda Romero

Chanda Romero

Dagdag niya, “In fairness sa script ni Chris Martinez, binigyan niya ng moment bawat artista sa pelikulang ito.

“Iyon yung talagang nakakagulat na parang he was able to make it a point na bawat artista, may moment,” sinabi pa ni Judy Ann.