Carlo Aquino denies Charlie Dizon is pregnant

Itinanggi ni Carlo Aquino na nagdadalantao na ang misis niyang si Charlie Dizon.

Paglilinaw ni Carlo, “Hindi, hahaha! Hindi, hindi. Huwag tayong advance. Nakaka-pressure. Relax lang tayo.”

Dito ay nabanggit din ni Carlo na lahat ng desisyong ginagawa niya sa kanyang career ay isinasangguni niya kay Charlie.

“Kailangan talaga pag-uusapan muna namin kasi she’s part of my life now.

“Pero hindi pa rin naman ako magno-no sa trabaho. I just have to set boundaries and limitations with work,” paliwanag ni Carlo.

CARLO AQUINO stars in crosspoint

Nakapanayam si Carlo sa isang mediacon via Zoom para sa upcoming international movie niyang Crosspoint.

Ang Crosspoint ay collab sa pagitan ng High Road Creatives (Philippines) at 034 Productions (Tokyo, Japan).

Carlo Aquino headlines Crosspoint, a movie shot in Japan and Philippines
Carlo Aquino headlines Crosspoint, a movie shot in Japan and Philippines

Photo/s: Screengrab from Crosspoint trailer

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ginagampanan ni Carlo ang karakter ni Manuel, isang sikat na Filipino actor na nagkaroon ng dry spell sa kanyang career sa loob ng ilang taon.

Pumunta si Manuel sa Japan para ilegal na magtrabaho sa isang cabaret, at maeengkuwentro niya roon ang isang high-profile killer na gagampanan ng kilalang Japanese akcor na si Takehiro Hira.

Si Takehiro ay napanood sa Netflix film na Gri/ Haji, Snake Eyes: GI Joe, at Nobou’s Castle.

Ayon kay Carlo, “Very challenging for me as an actor ang project na ito.

“Nag-shoot kami sa Japan for almost three weeks, dito sa Philippines may mga scenes din kami na ginawa.”

Sina Ravien Bracero at Sho Ikushima ang producers ng pelikula.

Ang Filipino filmmaker na naka-base sa Japan na si Donnie Ray Ordiales (The Red Dress, Nena, at Shortcut) ang direktor ng Crosspoint. Habang ang French-Canadian na si Hans Bobanovitz naman ang director of photography.

Kuwento ni Carlo sa karanasan niya sa shooting: “Yung hospital scene namin sa Manila, mahirap yun. Yung fight scene namin ni Sho, that was one hard scene.

“They had to bring me to the hospital kasi nagkaroon ng minor injury. Nag-swell nang konti [yung isa kong daliri].

“Sabi ko, ‘I’m okay.’ Sabi nila, ‘We have to take you to the hospital.’ Sabi ko, ‘Let’s just do this and finish this.’ Pero they really brought me sa hospital.”

May iba pang Japanese actors ang kasama sa cast sa pangunguna nina Sho Ikushima, Kwi Kurosawa, at Rie Shibata.

Ang iba pang Filipino actors sa Crosspoint ay sina are Marlene dela Peña, Ian de Leon, Polo Ravales, Sarah Abad, at Dindo Arroyo.

Nakatakdang ipalabas ang Crosspoint sa October 16.

TRAINING FOR THE MOVIE

Sumailalim si Carlo sa dalawang araw na stunt training para sa kanyang role sa pelikula.

Pero hindi na raw siya dumaan pa sa pag-aaral ng martial arts dahil aktibo naman siya.

“Nagba-boxing ako, nagdya-jogging ako. So, pagdating namin doon, with the help of Sho who is the gangster. So, we got to do the stunt accordingly,” esplika ni Carlo.

Inamin ni Carlo na naka-relate siya sa kanyang karakter sa pelikula bilang isang artistang lumamlam ang career sa Pilipinas.

Naranasan din daw ni Carlo ang matakot nung bumaba ang kanyang popularidad.

“Lahat naman,” diin niya.

“Sa lahat naman ng karera may point na bababa, di ba? Kailangan mo lang sakyan yung wave ng buhay.

“Nangyari na sa akin yun. Di ba, ilang beses na akong nawala? Ilang beses na akong bumalik.

“So, siguro ganoon lang. Palagi ka lang lumalaban.”

Bukas si Carlo na mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng international career.

“Sa edad ko, I’m considering everything. Hahaha! I’ll grab all the opportunities to explore, to grow. Kaya I’m open,” sabi ni Carlo.

Willing daw siya na mawala ng ilang panahon sa Pilipinas kung magkaroon siya ng trabaho sa pag-arte sa ibang bansa.

“Yeah, if there’s work, di ba? I will never say no to work lalo na pag ganito ang gagawin.”