Arnel Pineda offers to quit band Journey following criticisms

Agad na humingi ng paumanhin sa publiko si Arnel Pineda, ang lead vocalist ng sikat na American rock superband na Journey, matapos niyang makatanggap ng kritisismo sa naging performance niya sa isang music festival kamakailan.

Bukod kay Arnel, ang mga miyembro ng Journey ay sina Neal Schon, Jonathan Cain, Deen Castronovo, Jason Derlatka, at Todd Jensen.

Noong September 21, 2024, nag-perform ang Journey sa Rock in Rio Music Festival na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil.

Pinerform nang live ng banda ang mga sikat nilang awitin, kabilang na ang hit song nilang “Don’t Stop Believing.”

THE VIRAL PERFORMANCE OF ARNEL PINEDA

Sa dami ng pinerform na kanta ng Journey, may isang napansin ang kanilang fans.

Ito ay nang magsimulang kantahin ni Arnel ang 1981 hit track na “Don’t Stop Believing.”

Arnel Pineda offers to quit band Journey following fan complaints

Photo/s: Arnel Pineda on Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isang Facebook page mula sa Brazil ang nag-upload sa social media ng video clip ng Pinoy singer habang siya’y kumakanta ng sikat nilang awitin.

Kapansin-pansin dito ang hirap na pag-abot ni Arnel sa mga high note ng kanta.

Nadismaya rito ang ilan nilang tagahanga.

ARNEL APOLOGIZES FOR lackluster PERFORMANCE

Mabilis naman itong nakarating kay Arnel, kaya’t agad din siyang humingi ng paumanhin sa mga dismayadong fan.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Linggo, September 22, sinabi ni Arnel na katulad ng iba ay dismayado rin siya sa kanyang naging performance.

Kalakip nito ang pasasalamat niya sa patuloy na tumatangkilik sa kanilang banda at paghingi ng tawad sa gawi ng kanyang pagkanta.

Mahihinuhang maging ang masasakit at negatibong komento ay binabasa ni Arnel na naging dahilan kung bakit siya lubhang naapektuhan sa pangyayari.

Mababasang caption sa kanyang post (published as is), “once again,thank u so much everyone who came to @journeyofficial show since #february this year ..i appreciate uou all do kuch..anf not only that,everytime that im on stage w/ the band, i feel this immense gratitude,humility and honor..i am very aware of this-“

Sa baba nito ang video link ng kanyang viral performance.

Sabi pa ni Arnel, hanggang ngayon ay labis siyang naaapektuhan sa mga komento at kritisismo online.

Umabot na raw siya sa puntong kailangan na niyang humingi ng payo at suhestiyon kung nararapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pagiging lead vocalist ng Journey o kung kailangan na niyang umalis dito.

Saad niya (published as is): “no one more than me in this world feels so devastated about this…its really amazing how 1 thousand right things you have done will be forgotten just cause of THIS..and of all the place, its in Rock In Rio…

“mentally and emotionally, ive suffered already,and im still sufferring..but i’ll be ok..

“so here’s the deal here now..i am offering you a chance now (especially those who’s hated me and never liked me from the very beginning) to simply text GO or STAY right here..

“and if GO reaches 1million…im stepping out for good..are you game folks? let’s start…

“God bless all of you and thank you once again to all of the fans and friends who believed in me dince Day 1.”

NETIZENS REACTION

Samantala, sa comments section ng post ni Arnel ay bumuhos ang suporta ng kanyang mga tagahanga na nagsasabing manatili siya sa banda at huwag nang pakaisipin pa ang mga bumabatikos sa kanya.

Komento ng isang netizen (published as is), “STAY Arnel! Haters are always there no matter what you do cos they are envious & jealous. But you have more people & fans that love you & want to hear & see you singing. “Journey” is your journey in life. What God has giving you, no one could take it away from you. Just always be thankful to God.”

Sabi pa ng isa, “Stay! You are a great singer! Keep the legacy alive.”

“Just stay Arnel, your humility and gratitude are inspiring. Don’t let criticism define you – your music and passion have touched countless hearts. Keep doing what you do best,” dagdag pa ng isa.

Taong 2008 nang maging opisyal na miyembro si Arnel ng bandang Journey matapos tuluyang kumalas sa grupo ang dating frontman ditong si Steve Perry.

Bukod sa “Don’t Stop Believin,” ilan pa sa mga kantang pinasikat ng Journey ay ang “Faithfully,” “Any Way You Want It,” “Open Arms,” “Someday Soon,” “Where Were You,” “Little Girl,” “Wheel in the Sky,” at “Troubled Child.”