Priscilla Meirelles, John Estrada spotted in Singapore

Nagkaayos na ba ang mag-asawang Priscilla Meirelles at John Estrada?

Ito marahil ang nasa isip ng netizens dahil parehong nasa Singapore ang dalawa para sa F1 Singapore Grand Prix 2024.

Sa Instagram noong September 20, 2024, nag-post si Priscilla ng update ukol sa event na dinaluhan niya.

Sabi niya sa caption, “Welcome to F1 Singapore. Salamat to my EW Villa Medica Family @ewvmmanila for bringing me to this event two years in a row.”

Kinabukasan, September 21, nag-post muli si Priscilla.

Caption naman niya, “F1 Singapore Race with my EW Villa Medica Famila Day 1 was a wrap. More to come!”

Kahapon, September 22, muling nag-update si Priscilla.

Post niya, “Day 2 F1 Singapore. Selfies everywhere…”

Si John ay may dalawa ring magkasunod na post.

Solo pictures lang niya ito.

Sa unang larawan, may caption siyang “Hello my Beautiful People, from Singapore Grand Prix 2024”

Caption naman niya sa pangalawang larawan, “2nd day, qualifying, F1 singapore

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pit walk Letss Goooooooo”

PRISCILLA MERIELLES, JOHN ESTRADA NOT ON GOOD TERMS?

Pero napansin ng mapanuring mata ng netizens na walang picture ang mag-asawa na silang dalawa lamang.

Kaya sa comments section ng post ni Priscilla ay may nangahas nagtanong.

Ayon dito, “Just curious, why are u not beside with your husband John Estrada?”

Priscilla Meirelles, netizens

Hindi ito sinagot ni Priscilla.

Ang ibang netizens ang nagkomento na nagkaroon ng problema sa pagsasama ng dalawa nitong mga nakaraang buwan.

Priscilla Meirelles, netizens

Komento ng isa, “Are you happier now without John? I remember this time last year you guys attended this race together. I hope that you are happier.”

Priscilla Meirelles, netizens

Isa namang netizen ang sumagot sa nasabing tanong.

Sabi nito, “magkasama po sila nakita ko isang post nya sa FB kanina lang kasama si john”

Ang tinutukoy nitong post ay mula kay Aubrey Miles, na kasama rin nina John at Priscilla na nasa Singapore.

Sa isang larawan, makikitang magkasama sila sa loob ng isang sasakyan.

John Estrada, Priscilla Meirelles in Singapore

Photo/s: Courtesy: Instagram

Sumagot si Priscilla sa netizen.

Ayon sa kanya, “work” lamang ang dahilan kaya nakita silang magkasama.

Sabi niya, “work lang Po. Thanks for understanding.”

Priscilla Meirelles, netizens

PRISCILLA MEIRELLES-JOHN ESTRADA MARITAL PROBLEM

Nagsimulang nagkaroon ng alingasngas na may problema sina Priscilla at John matapos pag-usapan online ang komento ng Brazillian beauty queen sa isang Instagram post ni John noong July 14, 2024, habang nagbabakasyon ang aktor sa Boracay.

Makikita sa post ni John ang litrato niya habang ipinapakita ang view ng hotel na kanyang tinutuluyan.

May caption ito na “What an awesome place.”

Sa comments section, may netizen ang pabirong nagtanong kung sino kina Lena (Mercedes Cabral) at Marites (Cherry Pie Picache) ang kasama ni Rigor (karakter ni John) sa FPJ’s Batang Quiapo.

Si Marites ay asawa ni Rigor, habang kabit naman ni Rigor si Lena sa kuwento ng teleserye.

Ikinagulat ng marami ang sagot ni Priscilla.

Imbes na makisakay siya sa biruan ng netizens, ibinuking ni Priscilla na wala kina Lena at Marites ang kasama ni John sa Boracay.

Isang babae nagngangalang “Lily Hallman” ang waring pasarkastikong inihirit ni Priscilla.

May dagdag na hirit pa si Priscilla na lalong ikinaintriga ng netizens.

Aniya, “Looking very divorced Mr. Estrada.”

Naka-tag muli rito ang IG user na Lily Hallman.

Marami ang napatanong kung sino si “Lily Hallman” na tinukoy ni Priscilla. Hindi mawari kung taga-showbiz ito o hindi.

Pero dahil sa komento ni Priscilla, hinala ng netizens ay dumaraan na naman sa isang pagsubok ang relasyon ng mag-asawa.

Tinanggal ni John Estrada ang comment section sa kanyang Instagram account pagkatapos mag-comment ang asawa niyang si Priscilla na ikinaintriga ng lahat.

JOHN ESTRADA CONFIRMS PROBLEM IN A STATEMENT

Kinumpirma ni John na may pinagdaraanan sila ng kanyang misis na si Priscilla.

Sa pamamagitan ng official statement na ibinahagi niya sa social media noong July 16, 2024, sinabi ng aktor na medyo may katagalan na mula nang nagkasundo sila ng Brazilian wife “to take a break” sa kanilang pagsasama.

Ayon pa kay John, may malalim na dahilan ang desisyon nilang ito ni Priscilla, ngunit ang pinakahuling bagay na gugustuhin niya ay saktan ang mga taong mahal niya.

Narito ang kabuuang pahayag ni John:

“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.

“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any woman for that matter. I just met her in Boracay.

“I had a short break from work and felt the need for a breather.

“This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!”

PRISCILLA MEIRELLES CONTRADICTS HUSBAND’S STATEMENT

Kinontra ni Priscilla ang pahayag ng asawang si John na may “mutual agreement” sila kaugnay ng kanilang paghihiwalay.

Ayon kay Priscilla, labis niyang ikinagulat at nasiraan siya ng loob matapos mabasa ang statement ng aktor.

Dagdag ni Priscilla, kasal sila ni John nang umalis siya ng Pilipinas at nagbakasyon pansamantala sa Brazil.

At manananatili silang kasal hanggang sa oras na ito.

Bagamat sumang-ayon siya sa pahayag ni John na may malalim pang dahilan sa kuwentong ito, hindi pa raw ito ang tamang panahon upang talakayin ang mga detalye nito.

Narito ang buong pahayag ni Priscilla:

To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.

“While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.

“I appreciate your constant support, kindness, and love during this difficult time. I trust that, in due course, all will be resolved appropriately.

“Thank you for your understanding.

“Priscilla Meirelles”

Wala pang bagong post ang mag-asawa.

Wala pa rin silang reaksiyon sa mga haka-haka ng netizens kung nagkabalikan na nga ba sila.