Pinky Amador reveals her Morgana role got most engagements

“Ay naku, isa sa pinakamasaya, pinakamahirap, pinaka-challenging, and pinaka-rewarding,” umpisang pahayag ni Pinky Amador ukol sa journey niya sa Abot Kamay Na Pangarap.

Gumaganap si Pinky bilang si Moira/Morgana sa nabanggit na top-rating series ng GMA.

Pinky Amador effective kontrabida in Abot Kamay Na Panghar
Pinky Amador proved herself as an effective kontrabida in Abot-Kamay Na Pangarap

Photo/s: Screengrab from Abot Kamay Na Pangarap

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na raw siyang na-portray na mabigat na papel sa buong karera niya bilang aktres, pero pinaka raw ang ginagawa niya sa Abot Kamay Na Pangarap.

“Mabibigat din, pero ito kasi sunud-sunod na mabibigat, kung anu-ano na lang ang naiisip.

Imagine namatay na si Moira, bumalik pa si Morgana. So, it’s like another set ng mga challenges, paghihirap, pag-iisip.

“Kung paano makakaganti, kung paano mabubuo pa yung pamilya niya kahit alam naman niyang mahirap, marami siyang kasalanan, ganun.”

PINKY ON WHICH CHARACTER/ROLE IS MORE CHALLENGING

Sino ang mas hirap siyang i-portray, si Moira o si Morgana?

“I think Moira, kasi si Morgana since nag-a-assume lang siya ng identity, hindi siya makatodong kontrabida, kasi baka mabuko siya.

“Hindi siya… siya talaga si Moira na nagpapanggap lamang. The moment na gumawa siya ng bagay na masama, siya pagbibintangan.

“So pag pinagbintangan siya at naimbestigahan siya, mabubuko siya ngayon.

“Mabubuko na siya pala si Moira na may mga kaso, may mga pending, makukulong siya.

So, kumbaga yung pagka-ano niya, limited lang. Pero pareho din naman na mahirap.

“Kasi si Morgana na yung lumaki sa farm, nasa pig pen, mga ganun, mga muntik na mahimatay. Physically, very challenging siya.”

pinky on RESEMBLANCE OF MORGANA TO ALICE GUO

Well, pinag-usapan at nag-trending si Morgana dahil inihawig ang naturang karakter sa kontrobersyal na dating Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

piny amador alice guo abot-kamay na pangarap
Pinky Amador’s role as Morgana in Abot-Kamay na Pangarap bears uncanny resemblance to controversial personality Alice Guo

Photo/s: GMA Network / GMA News

Aware raw si Pinky tungkol dito, “Yes, oo. Ito yung kuwento sa akin ng producers, tinanong ko si Direk kasi,” pagtukoy niya sa direktor ng teleserye na si LA Madridejos.

“Sabi ko, pinag-uusapan kasi nila, alam naman nilang may kontrata ako sa Singapore, so alam naman nilang hindi ako totally mamamatay.

“So, nag-iisip sila ng paraan para makabalik si Moira. In the story, mamamatay kuno, so nag-iisip sila, paano natin pababalikin si Moira?

“So, isa sa mga naisip nila is stolen identity, so nandoon na yung thought balloon na stolen identity, sabay sumabog yung issue sa Senado.

“So sabi nila, ito na yun, nangyayari na ng totoo, why can’t we use it? It’s happening in real life.”

Pumayag agad siya noong pinitch sa kanya na gagayahin niya si Alice Guo?

“Actually, hindi naman pinitch, binasa ko na lang nandoon sa script,” at tumawa si Pinky.

Hindi raw siya nagdalawang isip, “Hindi naman, kasi ganoon na lang yung tiwala ko kina Direk at saka sa creative team.

“Kasi kahit na ano pa, I mean, we’re allowed to have discussions with them, pero ako natawa lang ako, pero hindi ko akalain na magte-trending nang ganoon.

Kasi yung video na yun had the most engagement sa lahat ng video ng show mula ng simula hanggang sa…”

Kahit noong si Moira siya? Trending na siya noong si Moira pa siya.

“Yes,” bulalas ni Pinky. “Kasi nga halong galit, tuwa, gulat, lahat na lang ng emosyon.

“Yung iba nga akala prank, akala we’re spoofing, parang iba nga, hindi makapaniwala, ‘Totoo ba yan? Talagang ginawa nilang true-to-life?’ Ganun.”

PINKY HAPPY TO BE BACK IN LONG-RUNNING TELESERYE

Pansamantalang nawala sa Abot Kamay Na Pangarap si Pinky dahil sa isang prior commitment sa Singapore.

Aniya, “I was in Singapore for seven weeks. Kaya talagang kailangan ‘mamatay’ talaga si Moira.”

Buti pinayagan siya ng GMA?

“Oo, kasi nung pinaalam ko yun last year pa, 2023, iyon yung time na hanggang January 2024 pa lang kami. So ang paalam ko is May.”

Na ang thinking niya is tapos na ang serye?

“Hindi, sabi ko, kahit ma-extend pa yan ng February, or March, or April, pasok pa ako, e na-extend hanggang June 30.

So sabi ko, eto na, hanggang sa huli, tinatanong nila ako, ‘Tuloy ba yan?’ E wala, naka-sign na ako ng kontrata.

Tsaka alam naman natin, Singapore iyon.”

Isang play ang naging proyekto ni Pinky sa naturang bansa.

Who’s Afraid of Virginia Woolf, I was the woman playing Martha. It’s about an older couple and a younger couple. Apat lang kami doon.”

Dagdag pa ni Pinky, “It’s a movie with Elizabeth Taylor and Richard Burton.

“And recently, in the West End, ginampanan ni Imelda Staunton, yung nag-play ng the queen sa The Crown.”

PINKY SUPER THANKFUL FOR HER EXTENDED STINT IN ABOT-KAMAY

So dahil talagang malakas si Moira at si Morgana, nagawan ng paraan na makabalik si Pinky sa Abot Kamay na Pangarap?

Aniya, “Yes po. I’m very… ako super thankful ako dun, kasi tanggap ko na kung patayin nila ako, hindi na nila ako pabalikin.

“Tanggap ko yun kasi pumirma ako ng kontrata, hindi ko naman alam na extended, and siyempre creative choice nila yun.

“Pero for… the fact na ibinalik nila ako, hindi yun nangyayari every day, so talagang sobrang, sobrang pasasalamat ko kasi hindi lang siya trabaho.

“Ano siya e, trabaho na you go to work with people that you really love working with, you have respect for, co-actors that are intelligent, generous, and that get along.”

Nakapanayam namin si Pinky sa set ng taping ng Abot Kamay Na Pangarap nitong Agosto 30 sa San Francisco del Monte sa Quezon City.

Ano ang nararamdaman ni Pinky na bilang si Morgana ay mas dumami na naman ang galit sa kanya?

“Okay lang. Okay lang because that means I’m doing my job,” pakli ng aktres.

At epektibo siya sa kanyang pagganap, “Oo, kumbaga sa kuwento, sa istruktura ng kuwento, para lumitaw ang bida, kailangan may kumukontra sa kanya.

“Kailangan may nang-aapi, para lumabas yung traits niya na either mapagbigay, or nakakaintindi, or lumalaban.

Lahat yung mga traits lumalabas dahil may kumukontra, so alam ko naman na iyon ang papel ko, so tsaka ano naman e, I think siyempre may mga fans na galit na galit.”

May experience ba siya halimbawa sa mall na may umaway sa kanya?

“Wala. Wala naman,” tugon ni Pinky. “So far parang ano, nagugulat lang sila.

“Tsaka siguro nababalanse din dahil nakikita din nila yung mga TikTok ko, na puro kami bungisngisan, na nagkakatuwaan lang kami.

“Thankful din ako na may social media, kasi nakikita yung other side, yung totoong ako.”

Nababalanse daw ang galit ng tao kay Morgana/Moira, “Oo. Nami-mitigate.

“Parang minsan nga ang comment, ‘Inis na inis kami sa ‘yo sa screen, pero pasayaw-sayaw lang pala kayo diyan.’

“Parang, ‘Magkaka-tsokaran naman pala kayo, bakit ninyo kami pinapainis sa TV?’

“Parang ganun.”