Billy Crawford mourns dad’s passing shares heartfelt message

Nagbigay ng mensahe si Billy Crawford para sa pagkamatay ng kanyang ama ngayong Linggo, September 22.

Billy Crawford
Jack Crawford
Billy with dad Jack Crawford

Photo/s: @marietta.crawford on Instagram

Sa isang Instagram post, ibinalita ng The Voice coach ang pagpanaw ng kanyang amang si Jack na nakatira sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

BILLY LAMENTS NOT BEING BY DAD’S SIDE TO SAY GOODBYE

“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart,” sabi ni Billy sa kanyang post.

Amerikano ang ama ni Billy, na based sa Texas sa United States.

Hindi sinabi ni Billy sa kanyang post ang sanhi at eksaktong petsa ng pagkamatay ng ama.

Pagpapatuloy ng Kapuso singer, “Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man! Love, your son.”

BILLY’S FRIENDS SEND MESSAGES OF SYMPATHY

Nakiramay sa comments section ang ilang mga kaibigan ni Billy tulad nina Erik Santos, Guji Lorenzana, EA Guzman, KC Montero, Ryan Bang at si Sam Concepcion.

Matatandaang noong May 2022 ay ipinahayag ni Billy ang kasiyahan dahil naipakilala na rin niya sa ama ang anak na si Amari. Nag-post pa nga si ang TV host ng family picture kasama ang ama sa kanyang bahay sa Quezon City.

Dito rin ay pinasalamatan niya ang asawang si Coleen Garcia na nag-ayos ng meetup.

“I never thought my father would even meet his grandson. And by God’s grace you have made all of this possible,” ang caption ni Billy sa post.

Noong 2020, kasagsagan ng COVID-19, ipinanganak ni Coleen si Amari.

Sa ngayon ay namamayagpag ang career ni Billy sa Kapuso network, bilang coach sa The Voice Philippines at host sa TiktoClock.