68-year-old Lolo attends SEVENTEEN’s concert
Tila maraming netizens ang humanga sa 68-year-old na si Lolo Ricardo Santos matapos siyang um-attend ng recent concert ng K-pop boy group na SEVENTEEN.
Ayon sa kwento ni Alexa Kimjevam Manalo, ang apo ni Lolo Ricardo, palagi niya umanong kasama si Lolo Ricardo sa mga concerts na kanyang pinupuntahan.
‘FINALLY NAKITA NIYA NA SEVENTEEN’ 🥹🙏
Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Alexa Kimjevam Manalo kung saan makikita ang photo ng kanyang Lolo Ricardo matapos itong um-attend ng concert ng K-pop boy group na SEVENTEEN sa Bulacan. pic.twitter.com/tJfCXxqtNh
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 21, 2025
“Naging fan na rin po kasi siya ng SVT dahil sakin, lalo na po at siya ang lagi kong kasama kapag may pinupuntahan ako na concert,” kwento nito sa panayam ng PSND.
Dagdag pa ni Alexa, siya rin mismo ang bumili ng concert ticket ng kanyang lolo.
“Ako po bumili ng ticket niya dahil nag-promise po ako sa kaniya last year na once bumalik po sa PH ang SVT ay isasama ko po siya sa loob,” dagdag pa niya.
Kaugnay nito, tila na-enjoy naman umano ni Lolo Ricardo ang concert ng nasabing K-pop boy group.
“Sobrang happy po siya before & during the concert lalo na po at marami daw pong nagbigay sa kaniya ng freebies [at] naka attend na po siya ng SVT concert. Ang babait daw po ng fans kaya na enjoy niya po talaga,” pagpapatuloy pa nito.
THANK YOU FOR A MEMORABLE NIGHT, SEVENTEEN! 🩷🩵
K-pop boy group na SEVENTEEN, nag-share sa social media ng ilang photos matapos ang day 2 ng kanilang “Right Here” concert na ginanap sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan. pic.twitter.com/8motElsILZ
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 20, 2025
Kumalap naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang nasabing post.
“You know an artist is doing really good in their art when they can pull a fan from different age ranges!!! Ang cute,” komento naman ng isa.
Matatandaan na nito lamang January 19 at 20 ay ginanap ang concert ng SEVENTEEN sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.
Dito, itinanghal ng nasabing K-pop group ang kanilang mga hit songs na “Super,” “God of Music,” “Aju Nice,” at iba pa.