58th anniversary ng Bombo Radyo Philippines, ipinagdiriwang ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayon ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Bombo Radyo Philippines, ang number one and most trusted radio network in the country!

Habang naglilingkod nang may matatag na presensya sa industriya, nananatili ang Bombo Radyo sa layunin nitong magbigay ng mapagkakatiwalaang balita sa publiko.

Sa gitna ng mga pagbabagong dala ng digital age, nananatili ang Bombo Radyo sa misyon nitong maghatid ng tama at komprehensibong news coverage sa pamamagitan ng 31 fully digitalized AM at FM stations ng network.

Ang hindi natitinag na dedikasyon ng Bombo Radyo sa pagbabalita na sinamahan pa ng lakas ng digital technology ang dahilan kung bakit ito naka-adapt sa nagbabagong media landscape habang nananatili ang reputasyon nito bilang mapagkakatiwalaang source ng impormasyon.

Habang ang buong mundo ay patuloy na tumatanggap ng digital advancements, tinitiyak din namin dito sa Bombo Radyo Philippines ang commitment sa paghahatid ng mahahalagang balita.

Sa ngalan ng aming Chairman, Dr. Rogelio M. Florete at ng aming President at Chief Executive Officer Ms Margaret Ruth C. Florete, muli ngayong Hulyo 6, 2024, ibinabahagi namin sainyo ang matunog na tagumpay para sa 58 years ng walang kapagurang serbisyo sa buong sambayanang Filipino, sa paghahatid ng balita at impormasyon, fast first and accurate.

Basta Radyo BOMBO!