50 MMFF classic films to be screened for only PHP50

Ipinagdiriwang ang 4th Philippine Film Industry Month (PFIM) ngayong Setyembre 1-27, 2024, na ang tema ay “Tuloy Ang Tradisyon ng Pelikulang Pilipino.”

Sa 105th anniversary ng Philippine cinema, pinagpupugayan ang labing-isang National Artists natin sa larangan ng Pelikula at Broadcast Arts.

Ang mga ito ay sina Eddie Romero, Fernando Poe Jr., Lamberto Avellana, Nora Aunor, Manuel Conde, Marilou Diaz-Abaya, Ricky Lee, Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerry de Leon, at Kidlat Tahimik.

Sa opening ceremony ng 4th PFIM noong Setyembre 1 sa Metropolitan Theatre ng Maynila, may special screening ng pelikulang Aguila (1980) na pinagbidahan ni FPJ, sa direksiyon ni Eddie Romero.

aguila film restoration

Punong-abala sa 4th PFIM ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), with its chairperson and CEO Direk Jose Javier Reyes.

SINAG MAYNILA

Swak sa 4th PFIM ang 6th edition ng Sinag Maynila indie filmfest noong Setyembre 4-10 sa mga piling sinehan.

Tatlo ang sections nito sa competition — pitong full-length finalists, pitong documentary, at sampung short films.

Sa full-length feature, humakot ng walong tropeo ang Her Locket.

Wagi ito bilang best film, best actress (Rebecca Chuaunsu), best director (J.E. Tiglao), best ensemble, best supporting actress (Elora Españo), best cinematography (Jag Concepcion), best screenplay (Maze Miranda and J.E. Tiglao), at best production design (James Rosendal).

Best actor si Ronnie Lazaro para sa The Gospel of the Beast, at best supporting actor ang co-star niya rito na si Jansen Magpusao.

sinag maynila winners
6th Sinag Maynila winners: (from left) Ronne Lazaro, Elora Espano, and Rebecca Chuaunsu

Photo/s: Jerry Olea

Ang best editing ay natamo ni Bryan Wong para sa Banjo.

Ang People’s Choice ay Talahib.

Ang best documentary ay ang Ino ni Ranniel Semana.

Dalawa ang pinagkalooban ng Documentary Jury Prize — Pag-ibig Ang Mananaig ni Jenina Denise A. Domingo, at Ghosts of Kalantiaw ni Chuck Escasa.

Best short film ang As The Moth Flies ni Gayle Oblea.

Second best short film ang Bisan Abo Wala Bilin ni Kyd Torato, at thirt best short film ang Ang Maniniyot ni Papa Jisos ni Franky Arrocena.

Magkatuwang bilang organizers ng Sinag Maynila indie filmfest si Direk Brillante Mendoza, at si Boss Wilson Tieng ng Solar Entertainment.

Dumalo si FDCP Chair Jose Javier Reyes sa awards ceremony ng Sinag Maynila 2024 noong Setyrmbre 8, Linggo sa Metropolitan Theater.

Ang telecast ng gabi ng parangal ng Sinag Maynila 2024 ay sa Setyembre 14, Sabado ng 8:00 P.M. sa Solarflix.

PAMANANG PELIKULA

Setyembre 4-27 ang screening ng piling classic films ng National Artists for Film and Broadcast Arts sa FDCP Cinematheque Centres sa Manila, Iloilo, Negros, Davao, at Nabunturan.

Kabilang sa “Pamanang Pelikula” program na ito ang Aguila, Anak Dalita, Ang Panday, Bulaklak sa City Jail, Genghis Khan, Karnal, Manila by Night, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, The Moises Padilla Story, at Perfumed Nightmares.

the moises padilla story

Setyembre 12, 1913 ang kaarawan ni Direk Gerry de Leon.

Nitong Setyembre 12, Huwebes ay ipinalabas sa Cinematheque Manila ang obra niyang The Moises Padilla Story (1961), kung saan title role si Leopoldo Salcedo.

May pa-buffet doon, at dumalo si Janno Gibbs.

GALA NIGHT

Friday the 13th (Setyembre 13), 5:00-8:15 P.M. ang Gala Night ng 4th PFIM sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City.

Ang host ay si Enchong Dee. Performers sina Katrina Velarde, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Jona, at SPEED Dancers.

philippine film industry gala night

Ngayon ding Friday the 13th ang Funeral Vigil para kay Direk Ishmael Bernal, 5:45-9:00 P.M. sa isang punerarya sa Araneta Ave., Quezon City.

May tribute messages sina Nick Deocampo, Direk Joel Lamangan, at Prof. Michael Charleston Chua. Ang Reinterment Ceremony ay Setyembre 14, Sabado, 10:30 A.M. sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City.

Merong Military Honor — Army March at 21-Gun Salute!

FILMS FOR PEACE

May libreng screening ang pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) ni Nora Aunor sa Setyembre 14, Sabado ng 4:30 P.M., sa Cinema 1 ng Estancia Mall, Camino Drive, Pasig City.

Ito ang opening film ng “Films for Peace” program ng FDCP.

tatlong taong walang diyos

Katuwang dito ang NCCA at ABS-CBN Sagip Pelikula.

Setyembre 15-27, libreng mapapanood sa iba’t ibang FDCP Cinematheque Centres ang Tatlong Taong Walang Diyos, Liway, Bagong Buwan, Women of the Weeping River, at Lupang Hinarang sa Hacienda Vicenta. Nasa Facebook page ng FDCP ang schedule ng free screenings.

Bahagi rin ng “Films for Peace” ang best film ng Cinemalaya XX na Tumandok, pero may bayad ang screening nito.

P250 ang tiket sa screenings ng Tumandok sa Setyembre 21, Sabado sa Cinematheque Iloilo.

tumandok screening

KALAHATING BAHAGHARI

Setyembre 11-15 ang Manila International Book Fair 2024 sa SMX Convention Center ng Mall of Asia (MOA) Complex, Pasay City.

Inilaan kay Ricky Lee ang Booth 2-100 sa Indie Village na nasa 2nd floor ng SMX Convention Center. Setyembre 14, Sabado ng 6:00-8:00 P.M. ang paglulunsad ng bagong nobela ni Ricky Lee na Kalahating Bahaghari, at ang Filipino/English edition ng Kabilang sa mga Nawawala.

Magbabasa ng excerpts from the books sa program sina Dingdong Dantes, Iza Calzado, Erik Matti, Agot Isidro. Meryll Soriano, at Elijah Canlas.

May song numbers sina Ice Seguerra at Bayang Barrios.

Hosts sina John “Sweet” Lapus at Candy Pangilinan.

ricky lee book launch

SINE50: PELIKULA NG BAYAN

Limang pelikulang Pinoy ang mapapanood sa halagang PHP50 sa Setyembre 18-24 sa pagtutulungan ng FDCP, NCCA, SM Cinema, Robinsons Movieworld, at Ayala Malls Cinema.

Tampok sa “Sine50: Pelikula ng Bayan” ang Iskalawags ni Keith Deligero, Tu Pug Imatuy (The Right to Kill) ni Armi Barbarona, Cleaners ni Glenn Barit, Huwebes Huwebes nina Don Gerardo Frasco, Januar Yap at Kris Villarino, at Little Azkals ni Babyruth Villarama.

Mapapanood ang mga ito sa tatlong sinehan — SM Southmall, Robinsons Galleria (Ortigas), at Ayala Market! Market!.

Nasa Facebook page ng FDCP ang schedule ng screenings.

SINE SIGLA SA SINGKUWENTA

May tatlong milestones sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ngayong taon.

Hunyo 22, 2024 ang ika-30 anibersaryo ng Manila Film Festival Scandal, na nagpabagsak sa local movies tatlong dekada na ang lumipas.

Hulyo 7, 2024 ang ika-100 kaarawan ng National Artist na si Eddie Romero. Iyon ang nagbunsod upang ang 11 National Artists for Film and Broadcast Arts ang parangalan sa 4th PFIM.

Disyembre 25, 2024-Enero 7, 2025 ang ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival.

Kaugnay sa golden anniversary ng MMFF, merong “Sine Sigla sa Singkuwenta” kung saan limampung MMFF official entries ang mapapanood sa halagang PHP50 bawat isa mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15.

Halos 100 sinehan nationwide ang magpa-participate dito!

Ang mga pelikulang ipapalabas sa halagang PHP50: Insiang, Mano Po, Jose Rizal, Crying Ladies, Ang Panday (1980), Big Night, Ang Tanging Ina Mo, Minsa’y Isang Gamu-gamo, Langis at Tubig, Blue Moon;

sine sigla

Ang Panday (2009), Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?, Walang Forever, The Moises Padilla Story, Moral, Himala, Captain Barbell (1986), Kung Mangarap Ka’t Magising, Ang Alamat ng Lawin, Ang Larawan;

sine sigla

Shake, Rattle, and Roll II, Atsay, Mga Bilanggong Birhen, Kung Mawawala Ka Pa, Die Beautiful, Agila ng Maynila, Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, May Minamahal, Sunday Beauty Queen, Magic Temple;

sine sigla

Ang Babae sa Septic Tank 2, Brutal, Markova, Miracle in Cell No. 7, Shake, Rattle and Roll, Darna (1991), Bad Bananas sa Puting Tabing, Karnal, Tanging Yaman, Firefly;

sine sigla

Bonifacio ang Unang Pangulo, Karma, One More Try, Imortal, Kasal, Kasali, Kasalo, Okay Ka Fairy Ko, Yamashita: The Tiger’s Treasure, Gandarrapido Revenger Squad, Feng Shui II, at Rainbow’s Sunset.

sine sigla

Teka!

Bakit kasama sa second batch iyong poster ng The Moises Padilla Story (1961) ni Gerry de Leon? Ang MMFF entry ay iyong The Moises Padilla Story: The Missing Chapter (1985) na pinagbidahan ni Anthony Alonzo, sa direksyon ni Willy Milan.