5 sugatan matapos ang stampede sa isang bus nang may sumigaw ng ‘sunog’

– Nagkumahog na makababa ng bus ang mga pasahero ng isang bus na biyahe papuntang PITX papuntang Quezon City

– May mga nagbasag ng bintana para lang makalabas ang mga pasahero na naging sanhi ng pagkasugat ng limang pasahero

– Sa ulat ng News5, wala naman nakitang pagliyab ayon sa pagsusuri ng Bureau of Fire Protection

– Iniimbistigahan pa ang pagkakakilanlan ng pasaherong sumigaw ng sunog na naging sanhi ng stampede

Limang pasahero ang sugatan matapos magkagulo sa loob ng isang bus na papunta sa PITX mula Quezon City, nang may biglang sumigaw ng “sunog.” Dahil sa takot, nagmadaling bumaba ang mga pasahero; ang ilan sa kanila ay nagbasag ng bintana para lamang makalabas, na nagresulta sa mga pagkasugat.

5 sugatan matapos ang stampede sa isang bus nang may sumigaw ng 'sunog'
5 sugatan matapos ang stampede sa isang bus nang may sumigaw ng ‘sunog’
Source: Twitter

Ayon sa ulat ng News5, agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) ngunit wala silang nakitang palatandaan ng sunog o pagliyab sa loob ng bus. Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente, kabilang ang pagkakakilanlan ng pasaherong sumigaw ng “sunog” at naging sanhi ng panic at stampede sa loob ng sasakyan.

Read also

Diwata, tinulungan ang isang foreigner na nag-apply sa kanyang paresan

Isa sa mga saksi ang nagsabi na nagdulot ng matinding takot at kaguluhan ang pangyayari, lalo na sa mga pasaherong nakaranas ng trauma sa loob ng siksikang bus. Ang mga sugatan ay agad na dinala sa ospital upang mabigyan ng kaukulang lunas, at patuloy na mino-monitor ang kanilang kondisyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot – Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.