5 patay, 21 sugatan sa pagsabog sa warehouse sa Zamboanga

Lima ang kumpirmadong nasawi kabilang na ang isang bata habang sumampa naman sa 38 ang bilang ng mga nasugatan sa pagsabog ng isang bodega ng paputok na pagmamay-ari ni Mr. Jojie Chua sa lungsod ng Zamboanga.

Sinabi ni OIC City Police director PCol. Kimberly Molitas na sugatan rin ang may-ari na si Mr Chua at dahil sa impact ng malakas na pagsabog ay nagdulot ito ng labis na pinsala sa mga kalapit na kabahayan at mga gusali.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang sanhi ng pagsabog.

Naging pahirapan pa ang rescue operation para sa mga trabahanteng naiwan sa loob dahil sa laki ng apoy at tuloy-tuloy pa ang pagsabog ng mga natitirang paputok.

Samantala, ikinagulat naman ng mga residente maging ng mga opisyales sa nasabing barangay na mayroon pa lang bodega o imbakan ng paputok at kung hindi pa umano sumabog ay wala umano silang kaalam-alam.