40 patay sa pag-atake ng mga armadong suspek sa Mali

Aabot sa 40 katao ang nasawi matapos ang pag-atake ng mga armadong suspek sa central Mali.

Naganap ang insidente sa Djiguibombo sa Mopti region kung saan aktibo sa lugar ang mga jihadist group na konektado sa al Qaeda at Islamic State.

Ayon kay Bankass Mayor Moulaye Guindo na ang nasabing insidente ay isang nakakabahalang insidente.

Isinabay ang pag-atake habang may ikinakasal sa lugar.

Wala pang grupo ang umako sa nasabing insidente.