23-anyos na mangingisda, namatay matapos bumara ang isang buhay na isda sa kanyang lalamunan

– Isang 23-anyos na mangingisda ang namatay matapos ma-stuck ang isang buhay na isda sa kanyang lalamunan habang nangingisda sa Olango Island, Lapu-Lapu City

– Nakita ng ama ng kanyang live-in partner si Jerry na kagat ang huli niyang isda habang inaayos ang pamingwit

– Nagpumiglas ang isda at dumulas papasok sa bibig ni Jerry, dahilan upang hindi siya makahinga

– Isinugod si Jerry sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival ng mga doktor

Isang 23-anyos na lalaki, na kinilala lamang bilang “Jerry,” ang pumanaw matapos ma-stuck sa kanyang lalamunan ang isang buhay na isda noong Oktubre 3, 2024, habang siya ay nangingisda sa Barangay Sabang, Olango Island, Lapu-Lapu City.

23-anyos na mangingisda, namatay matapos bumara ang isang buhay na isda sa kanyang lalamunan
23-anyos na mangingisda, namatay matapos bumara ang isang buhay na isda sa kanyang lalamunan (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng kanyang ina sa Talima Police Station, ang ama ng live-in partner ni Jerry ang nakasaksi sa insidente. Ayon sa kanya, kagat ni Jerry ang isang buhay na huli habang inaayos ang kanyang pamingwit.

Read also

Willie Revillame, nanawagan ng dasal sa mga manonood ng #WilToWin

Tinukoy ng kanyang ina na humigit-kumulang anim na pulgada ang haba ng nasabing isda. Habang hawak ito ni Jerry sa kanyang mga ngipin, biglang pumiglas ang isda at dumulas papasok sa kanyang bibig. Sinubukan ni Jerry humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagturo sa kanyang lalamunan upang ipaalam ang kanyang kalagayan.

Agad namang nagsikap ang ama ng kanyang live-in partner na dalhin si Jerry pabalik sa dalampasigan upang humingi ng tulong. Ngunit nang makarating sila sa pampang, hirap na huminga at wala nang malay si Jerry. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival ng mga doktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Ang insidenteng ito ay nagdulot ng matinding lungkot at panghihinayang sa pamilya ni Jerry.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot – Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.