2 Estudyante sugatan matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada, rider sugatan din

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang dalawang estudyante matapos silang mabangga ng isang motorsiklo habang papatawid sa pedestrian lane ng national highway na nasasakupan ng Minante 1, Cauayan City pangunahin sa harapan ng isang pribadong unibersidad.

Ayon sa mga nakasaksi, kasalukuyang tumatawid ng pedestrian lane ang dalawang babaeng estudyante na residente ng Soliven at San Mariano, Isabela (hindi muna pinangalanan) nang sila ay mabangga ng isang NMAX motorcycle na minaneho ni Jeffrey Nacar na residente ng San Fermin, Cauayan City.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa isa mga rumespondeng rescuers, nagtamo ng fracture sa bahagi ng balakang o binti ang isa sa mga estudyante habang gasgas lamang ang tinamo ng isa bagamat patuloy pang inoobserbahan.

Nasugatan din ang tsuper ng motorsiklo at may iniinda pangunahin sa kanyang braso.

Dinala na sa pagamutan sa pagamutan ang mga biktima para malapatan ng lunas.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, hindi nakainom ng alak ang tsuper bagamat mabilis umano ang kanyang patakbo nang mangyari ang insidente.